I-explore ang Oʻahu Gamit ang HOLO Card
Isang madali at abot-kayang paraan para maglakbay sa isla sa pamamagitan ng bus at tren 🌺
Piliin ang Iyong Pass
-
1 Araw na Pass
Makakuha ng walang limitasyong pagsakay sa TheBus at Skyline sa loob ng 24 na oras pagkatapos ng iyong unang pag-tap.
-
3 Araw na Pass
Makakuha ng walang limitasyong pagsakay sa TheBus at Skyline sa loob ng 72 oras pagkatapos ng iyong unang pag-tap.
-
7 Araw na Pass
Makakuha ng walang limitasyong pagsakay sa TheBus at Skyline sa loob ng isang buong linggo pagkatapos ng iyong unang pag-tap.
Simulan ang Pagsakay
Bumili ng Iyong Card
Para bumili ng HOLO card para sa Nasa Hustong Gulang na may pass, bisitahin ang isang vending machine ng HOLO sa alinmang Skyline Station o sa isang ABC Store sa Waikīkī. Para patuloy na magamit ang iyong card pagkatapos mag-expire ang pass, mag-reload online o sa iba pang kalahok na tindahan.
Gamitin ang Iyong Card
I-tap lang ang iyong card para magbayad ng iyong pamasahe at holoholo (sumakay)! Kapag lalabas sa istasyon ng Skyline, i-tap ang iyong card sa fare gate para lumabas.
Planuhin ang Iyong Biyahe
I-download ang Transit App para planuhin ang iyong ruta sa pamamagitan ng Oʻahu transit, kasama ang pagbibisikleta, paglalakad at ride-sharing. Makakakuha ka rin ng real-time na data, mga iskedyul, pagbabago sa serbisyo, at marami pa.
Dadalhin ka nang direkta ng Sistema ng riles ng Skyline (Skyline rail system) mula sa Daniel K. Inouye International Airport patungong West O‘ahu at Pearl Harbor, na may mga koneksyon sa bus papuntang Downtown Honolulu, Waikīkī, at East Oʻahu.
Sumakay sa TheBus at pumunta kahit saan sa Oʻahu! Sa madalas na serbisyo at madaling paglilipat mula sa mga istasyon ng Skyline, ito ang pinaka-abot-kayang paraan para malibot ang isla.
Para sa mga tanong tungkol sa HOLO, tawagan ang Helpline ng HOLO sa (808) 768-4656, mula 7:30 AM hanggang 4 PM, Lunes hanggang Biyernes.
Para sa mga tanong tungkol sa wayfinding, tawagan ang Tanggapan ng Transit Pass sa (808) 848-5555 at pindutin ang 2 mula 5:30 AM hanggang 10:00 PM araw-araw.